Mikael Daez & Andrea Torres Will Do The Remake Of “Sana Ay Ikaw Na Nga”

Mikael Daez and Andrea Torres are happy and beyond grateful that GMA 7 is trusting them with their own teleserye which is a remake of “Sana Ay Ikaw Na Nga.” The latter show was originally done by the team up of Dingdong Dantes and Tanya Garcia back in 2002. Mikael and Andrea were last seen in Dingdong and Marian’s teleserye, My Beloved.


Kuwento ni Mikael nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung August 3, Biyernes, sa Museum Room ng GMA Annex Building, na may nakarating na ngang balita na siya ang leading man sa bagong afternoon series.

Pero hindi pa raw siya muna nagsaya hanggang wala pa ang official announcement.

“I’ve been hearing about it. May mga nagsabi na sa akin, but I don’t want to assume muna. Baka hindi naman ako matuloy, made-depress lang ako,” sabi ni Mikael.
“So, I just waited kung kelan nila ito sasabihin sa akin. Hindi ko na lang siya iniisip.
“Until one day, sinabihan ako ng manager ko na pumunta ako rito sa GMA-7 at may meeting daw.
“Sabay pa nga kami ni Andrea na dumating at pareho kaming clueless about this meeting.
“Noong makaupo na kami, they handed us the script and they congratulated us.
“Kami na raw ang napili para maging lead stars ng Sana Ay Ikaw Na Nga!
“I was ecstatic! Halos tumalon na ako sa silya ko sa tuwa.
“Pero si Andrea, noong makita ko siya, she was crying. Hindi raw niya ini-expect iyon.
“So, we hugged each other sa sobrang tuwa namin.” (source)

Congrats Mikael & Andrea. You both deserve with break!

Clip to Evernote