If Annabelle Rama & showbiz writer Chito Alcid were involved in an unfortunate not to mention disrespectful incident at Dolphy’s wake, Nadia Montenegro and Gretchen Barretto ended whatever trouble they had and decided to kiss and make up, or hug it out.
Maganda ang disposisyon ni Nadia Montenegro kagabi, July 13, sa lamay ng Comedy King na si Dolphy sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.May dalawa itong dahilan: Una ay nais niyang magbigay-pugay sa Hari ng Komedya, at pangalawa ay dahil nakapag-reconcile na sila ni Gretchen Barretto.
Matatandaang nagkaroon ng alitan sina Nadia at Gretchen noon pang 2008. Matagal nang magkaibigan ang dalawa, kaya naman naging isyu ang pag-aaway nila.
At kagabi sa lobby ng gusali kung saan nakaburol si Dolphy ay nagkataong nagkita sina Nadia at Gretchen. Walang pag-aalinlangang nagyakapan ang dalawa, at matapos nito ay nagtabi sila sa upuan habang inaalala si Dolphy sa memorial chapel.
Bago umalis si Nadia sa lamay ay nakausap ito ng entertainment press. Ikinuwento niyang natuwa siya na nagkaayos na sila ng kaibigan.
DOLPHY WOULD HAVE LOVED IT. “It felt good. I’m sure Tito Dolphy would have loved it,” sabi niya.
Two years na raw ang nakararaan nang magkita sila ni Gretchen, kaya’t natuwa siyang makita muli ang kaibigan.
“Last time kasi I saw Gretchen was at the wake of Tito Douglas [Quijano], and unfortunately, dito ulit kami nagkita after two years,” paliwanag niya.
Did she expect to reconcile with Gretchen?
“We just never had the chance to see each other talaga,” sagot ni Nadia.
“And all these years, all this time, even if we had a falling out, kahit na nagkaroon kami ng tampuhan a few years ago, she was always in contact with my family every day.
“She would always check on the kids, and talagang wala lang kaming chance na magkita.”
Dagdag pa niya, “But you know, Gretchen and I, we go way back since grade school. Wala pang showbiz so, all’s well [that] ends well.” (source)
Good job Ladies. I’m sure Dolphy would be so proud.












