After doing a supporting role in BIRITERA and AMAYA, Glaiza de Castro is hoping for a lead role again since she was already given the opportunity in Grazilda which to Glaiza’s credit was a huge hit.
LEAD ROLE. Nais ng aktres na sana mabigyan ulit siya ng pambidang role tulad ng Grazilda. Napatunayan naman niya na kaya niyang maging bida sa sarili niyang drama series.Mga sumunod kasing mga projects ay bumalik siya sa pag-suporta sa mga bida.
“Siyempre gusto ko rin naman na makagawa ulit ng tulad ng Grazilda. Hanggang ngayon kasi, may mga tumatawag pa sa akin na ‘Grazilda.’
“Nakaka-miss din na ikaw yung bida at yung pressure ng show nakasalalay sa iyo.
“Okey naman ang mga roles na binigay nila sa akin. Hindi naman ako choosy pagdating sa trabaho.
“Sa Amaya kasi, ibang-iba siya. Talagang paghihirapan mo ang bawat eksenang gagawin mo.
“Dito kasi, hindi siya kasing bigat ng mga nagawa ko in the past. Tamang-tama lang siya. Nabigyan naman ako ng mga mabibigat na eksena ni Direk Maryo [delos Reyes]. Hindi naman niya ako pinabayaan.
“Pero kung titimbangin mo, light pa rin siya compared sa Grazilda at Amaya. Or kahit sa mga nagawa ko na before na Diva, Stairway To Heaven at Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.” (source)
Glaiza doesn’t have a new show yet after Biritera which will give her a much-needed break since Amaya and Biritera were so close together. Let’s hope after her vacation she’ll get her lead role wish.













parang hindi naman huge hit ang Grazilda, tama lang. hehe