My Beloved Spoiler: Benjie & Sharina Reunion

DO NOT click “read more” if you don’t want to read spoilers for My Beloved. If you watched today’s episode and the preview during the credits then you know that Benjie and Sharina are about to have their reunion after the 7 years jump.

Sa mga eksena ngayong gabi sa My Beloved, matapos ang pitong taon ay mu­ling magkikita sina Sharina (Marian) at Benjie (Dingdong Dantes). Isang halik ang babawi sa mga panahong nasayang sa pag-aakala na patay na ang isa’t isa.

Gayunpaman ay mabilis na matatauhan ang dalawa sa tunay na sitwasyon. Dahil may kani-kaniya ng pamil­ya ang isa’t isa, si Sharina na mismo ang magpapaalam kay Benjie. Ngayon ay mas tumindi ang hadlang sa pag-ibig nilang dalawa.

Galit na galit namang uuwi ng bahay si Benjie matapos lumantad ang katotohanan sa kanya. Pilit na magpapaliwanag si Ing­gay sa desisyon nilang ilihim ito kay Benjie. Pero bulag si Benjie sa kanilang paliwanag sa nga­yon. Higit lalo ang galit ni Benjie kay Emmie (Katrina Halili) na siyang may pakana ng lahat. Hindi na magdadalawang isip pa si Benjie. Plano na niyang hiwalayan si Emmie!

Malalaman din ni Nelson na muli na ngang nagkita sina Sharina at Benjie. Muling kakainin ng selos si Nelson at pagbabantaan si Sharina at si Joy.

Isang kasunduan ang magaganap sa pagitan nina Emmie at Nelson. Magkukuntsaba ang dalawa upang tuluyan na ngang magkalayo sina Benjie at Sharina. Mahuhuli nga nina Emmie at Nelson si Benjie na dinadalaw si Sharina.Magkakaharap-harap na nga ulit ang apat! (source: joe barrameda)

Clip to Evernote