My Beloved Spoiler: May 4th

DO NOT proceed to the jumped page if you don’t want to read My Beloved spoilers. This preview is brought to you by Joe Barremada.

Sharina, masasampal ni Nelson sa ‘Beloved’
Joe Barrameda

Sa My Beloved ngayong gabi, magka*kabati na nga sina Emmie (Katrina Halili) at Benjie (Dingdong Dantes) samantalang magulo pa rin ang pagsasamahan nina Sharina (Marian Rivera) at Nelson (Mikael Daez).

Habang nagpapaka*pagod si Sharina sa pag*hahanap buhay ay naiwan naman kay Nelson ang anak niyang si Joy. Muling mapagbubuntu*nan ng galit ni Nelson si Joy at mapapalo ang bata.

Makakarating agad ito kay Sharina at kukum*prontahin ang asawa. Sa huli ay mapagbu*buhatan din ng kamay ni Nelson si Sharina!

Lalong madadagdagan ang problema ni Nelson matapos muling magkrus ang landas nila ni Benjie.

Hindi niya inaasahang buhay pa ang karibal kay Sharina su*balit mabubunutan siya ng tinik matapos malaman na ang pagkakaalam ni Benjie ay patay na si Sharina!

Hindi rin nakaligtas si Joy sa pang-aapi nina Elsa at Ginella. Ipapaalam ni Elsa sa bata ang katotohanan na hindi tunay na ama ni Joy si Nelson. Maririnig din ito ng bata galing mismo sa bibig ng kanyang ama-amahan. Dadamdamin ito ni Joy at maglalayas!

Clip to Evernote