Zanjoe Marudo & Bea Alonzo's Holiday Plans

Zanjoe Marudo and Bea Alonzo will continue their love from travel as they celebrate the holidays this year. Bea and Zanjoe went to Korea a few months ago as part of Bea’s birthday gift for herself. This coming Christmas, the couple will be with their respective families in Manila but on the 25th, they’ll be flying to New York to experience the Time Square celebration.

“Magki-Christmas kami siyempre dito sa Manila.
“Pupunta siya sa pamilya niya, pupunta ako sa pamilya ko.
“And then, sa December 25, aalis kami. Pupunta kami ng New York,” pagbabalita ng aktor.

Dagdag pa niya, “Pupunta kami doon para ma-experience namin yung Times Square [countdown to New Year] sa New York City.
“Nandun rin kasi ang pamilya ko…Tatay ko, mga kapatid ko, nandun sila sa New Jersey.
“So, dadalawin namin,” pagbibigay detalye niya sa pupuntahang lugar.

Hindi raw first time na makikilala ni Bea ang pamilya ni Zanjoe sa U.S.
“Na-meet na niya yung tatay ko, yung mga kapatid ko dati pa, nung nagkatrabaho kami doon [sa States],” banggit niya.

Gumagawa na kami ng mga itinerary namin.
“Siguro, [uubusin] namin yung time namin sa panonood ng mga Broadway shows.
“Yung mga hindi pa namin napanood dati.
“Saka malamig kasi. Hindi pa ako nakakapunta ng New York ng Pasko or holiday season.
“Marami kaming gustong gawin, sana.
“Pero dahil sa weather, baka…depende na kung ano ang kaya naming gawin.
“Kung kakayanin namin ang lamig at gusto naming lumabas-labas, o mag-ikut-ikot.”

Dugtong pa ni Zanjoe, silang dalawa lang daw ni Bea ang aalis at wala silang mga kasamang alalay at handlers.
“Ito talaga ang masasabi kong tour namin as a couple, magpa-Pasko kami.
“I-spend namin ang holiday sa isang lugar.
“Pero, marami kaming imi-meet na friends, like sina Roselle [Nava], Tita Mariole [Alberto of Star Magic], makikita namin sila doon.
“Manonood kami ng Broadway. Yung family ko nga, makikita rin namin.” (source)

Have fun in NY Zanjoe and Bea. It’s definitely going to cold so bundle up.

Clip to Evernote