Curated Articles From Panday 2 Press Conference

I’ve curated the articles written about the Panday Press conference, held today with Marian Rivera, Sen. Bong Revilla, and Direk Mac Alejandre. Enjoy. Read them while you read your Thanksgiving feast!

Bong, tinamaan sa ‘ganda’ ni Marian! “Sobrang lakas ng appeal! Mabuti na lang may Dingdong na siya!” by Jojo Gabinete

Pinalakpakan kahapon sa press­con ng Panday 2 ang very impressive trailer ng pelikula na official entry ng Imus Productions at GMA Films sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Ikinatuwa ni Senator Bong Revilla, Jr. ang opinyon ng entertainment press na base sa trailer na ipinakita, magiging blockbuster ang kanyang pelikula.

Si Mac Alejandre ang direktor ng Panday 2 at ikinuwento niya na halos mapaluha si Bong sa tuwa nang mapanood nito ang unang 15 minutes ng kanilang filmfest entry.

Sa trailer pa lang, makikita agad ang resulta ng isang taon na paghahanda nina Mac at Bong sa sequel ng Panday na pinagplanuhan noong early part ng 2010.

***

Si Marian Rivera ang leading lady ni Bong sa Panday 2. Thankful si Marian dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makagawa ng isang malaki at magandang pelikula.

Personal choice ni Bong si Marian bilang kapareha niya sa Panday. In jest, sinabi ni Bong na sobrang lakas at hindi basta malakas ang appeal ni Marian, kasunod ang biro na “Buti na lang, may Dingdong (Dantes) na siya.”

Hindi pa man naipalalabas sa mga sinehan ang Panday 2, malaki ang tsansa na magkaroon ng Panday 3 at posibleng kasama uli sa cast si Marian. (source)

By Gorgy Rula

Gaya ni Lovi Poe, itinatanggi ni ­Marian ­Rivera ang intri­gang nagkakatampuhan silang magkaibigan.
“Hindi totoo ‘yan. The last time na nagkita kami sa Party Pilipinas, nagkakumustahan kami.
Huwag na kaming intrigahin dahil okay kami ni Lovi,” sabi ni Marian sa presscon ng Ang Panday 2 kahapon.
Inamin niyang wala silang komunikasyon ni Lovi dahil pareho silang abala sa kanilang trabaho.
“Nagkakaroon lang mi nang pag-uusap kapag nagkikita kami sa Show Me Da Manny.
Bilang tapos na ang Show Me Da Manny, hindi na kami nagkakausap.
Pero kapag nagki­kita kami, nagbabatian naman kami,” paliwanag pa ni Marian.

Naintriga sila dahil sa kasali si Lovi sa bagong drama series ni Heart Evangelista.
“Wala ‘yun. Hindi naman ako ang GMA at wala akong karapatang pumili kung sino man ang makakasama nila sa trabaho at hindi naman ako nagpapasuweldo sa kanila. Okay talaga kami.
“Ngayon pa lang, pinuputol ko na ang isyu na ‘yan dahil okay ka­ming dalawa. Siguro naman sinasabi niyang okay kami, kaya okay ako para sa kanya,” pahayag pa ni Marian.
Kaya na raw niyang mag-handle ng mga intriga at hindi na raw siya nagpapaapekto.
Ang paniniwala niya, mas mabuting marami nang kaibi­gan kesa sa kaaway para wala kang iniiwasan. (source)

Marian, mabango ang halik kay Bong by ALLAN DIONES

UNEXPECTED ang word na ginamit ni Marian Rivera nang ipa-describe sa kanya ng press si Senator Bong Revilla na nakatrabaho niya for the first time sa 2011 MMFF entry na Ang Panday 2.

“Kasi, para siyang bata na makulit. Nakikita ko rin na concerned siya hindi lang sa artista kundi pati sa staff and crew.
“Mabait siya sa lahat ng tao. Down to earth talaga. Masarap kasama, masarap katrabaho.
Mauulit ito! Ha! Ha! Ha!” masayang bulalas ni Marian sa presscon ng pelikula kahapon.
Hindi siya nagsisi na ginawa niya ang movie.
“Buti na lang talaga, eh kinuha ko ito at kinuha nila ako para sa Ang Panday 2. May twist kasi ito, eh.

Kung sino si Arlana (pangalan ng karakter ni Marian) sa buhay ni Flavio (karakter ng bidang si Bong).
“Napakaganda ng karakter ko rito. Sobrang pati ako, na-excite at ­sobrang happy ako na naging part ako ng movie.”
Si Arlana ay isang dragona na bata pa lang ay sinusubaybayan na si Flavio.
Nagiging isang dambuhalang dragon ang karakter ni Marian at sabi niya, may twist sa ending na kaila­ngan sa pelikula.

Tinawanan lang ni Marian ‘yung tsikang baka pagselosan siya ng misis ni Sen. Bong na si Congresswoman Lani Mercado.
Dayalog ng Kapuso star, ‘iloy’ (o nanay) niya si Ms. Lani sa epikseryeng Amaya ng GMA.

Napapag-usapan nila ang tungkol sa Ang Panday 2 at ang tungkol sa ‘bana’ (o asawa) nito na si Sen. Bong, so walang problema at okey ang lahat.
“This is work lang naman,” natatawang pakli ng magandang dalaga.
Anong masasabi ni Marian na tila sila ni Bong ang pantapat sa filmfest entry nina Vic Sotto at Ai Ai de las Alas?

“Siguro, hindi po maiiwasan ang kompetensya bilang pang-Metro Manila Film Festival ito.
Pero maipagmamalaki po namin na ginawa namin ang pelikulang ito na nag-enjoy talaga kami. At ‘yun ang importante, na masaya kaming ginawa ito.”

***

Puring-puri ni Sen. Bong si Marian na ­katambal niya sa Ang Panday 2.
“Wala akong mare­reklamo sa kanya. Napa­kagaling niyang artista. Kumbaga, no wonder, kaya niya naabot ‘yung tugatog ng tagumpay.
“She’s a very professional actress. On time palagi sa set ‘yan. Nauuna pa sa akin ‘yan. Kung calltime niya is about 8:00 AM, 7:00 AM nandu’n na ‘yan. Kaya makikita n’yo ‘yung rapport namin sa movie,” sey ng guwapong actor-politician.

Personal choice ni Sen. Bong si Marian sa pelikula. Reyna ng GMA ang tawag niya sa ­dalaga.
Malakas ba ang appeal sa kanya ni Marian?
“Alam mo, hindi m­alakas. Sobrang lakas! Buti na lang, may Dingdong siya! Ha! Ha! Ha!”

May eksena sa trailer na habang natutulog si Bong ay hinalikan siya ni Marian. Si Marian lang ang humalik dahil tulog si Bong.
Tumanggi ba siyang magpahalik kay Marian?
“Panoorin n’yo na lang ang pelikula kung gaano karami ang halik,” naniningkit ang mga matang pakli ng aktor.
May iba pa silang halikan bukod doon sa tulog siya?
“Abangan mo,” pa-suspense niyang sagot.

Kamustang kahalikan si Marian?

“Pang-GP ‘yung pelikula! Ha! Ha! Ha!
“Mabango siya. Ha! Ha! Ha! Mahirap magsalita. Baka magselos si Dingdong niyan! Ha! Ha! Ha!”

Takot ba siyang magselos si Dingdong?
“Hindi naman, trabaho lang ito, eh.”

May pressure bang nararamdaman si Sen. Bong na katapat nila ang filmfest movie nina Vic at Ai Ai?
“Wala. Kung si Vic merong Ai Ai, meron naman akong Marian!” sambit ng guwapong senador.

Dahil part two ito ng Ang Panday, times two rin ba ang production budget nito?
“Definitely, bigger than the first one. Basta sa akin, ito na ‘yung pinakamalaki.
“Kasi, you have to surpass kung ano ‘yung malaking pelikulang ginawa mo. In terms of casting, bigness ng pelikula…
“‘Yung direktor namin na si Mac Alejandre, sariwa at magaling. Siya ang #1 director now for me.

Problema namin ngayon kung paano pa masu-surpass itong part 2.
“Makikita mo naman sa pelikula na talagang pinaghandaan namin. More than a year ang preparation. Mas maganda, mas pinalaki ang casting.
“Maraming surprise na ipapakita. Gawang Pinoy na maipagmamalaki.
“Nu’ng last 2009 MMFF, nag-#1 ang Ang Panday.
This is a lot better than the first. Feeling namin ni Direk Mac, na-achieve namin ‘yung ­aming goal.” (source)

Marian nakapag-recharge sa maiksing biyahe sa amerika by Lolit Solis

Gandang-ganda ako kay Marian Rivera nang magkita kami kahapon sa presscon ng Panday 2.

Hindi halata na puyat si Marian dahil madaling-araw na nang matapos ang taping niya para sa Amaya.

Nakatulong kay Marian ang tatlong araw na biyahe nila ni Dingdong Dantes sa Las Vegas dahil nakapag-recharge siya. Maliban sa shopping at panonood sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, walang masyadong nagawa si Marian sa very short US trip nila ng kanyang boyfriend.

Bonggang-bongga ang role ni Marian sa Panday 2. May twist ang participation niya sa pelikula pero hindi puwedeng i-reveal para hindi mawala ang excitement ng mga nag-aabang sa filmfest movie nila ni Bong.

Naging komportable si Marian sa shooting ng Panday 2 dahil ang staff ni Mac Alejandre ang mga katrabaho niya. Si Mac ang direktor ng Panday 2 at siya rin ang namamahala sa Amaya kaya gamay na gamay nila ni Marian ang ugali ng isa’t isa.

At dahil si Mac ang direktor ng Panday 2 at Amaya, walang conflict sa taping at shooting schedules nila ni Marian. Swak na swak ang kani-kanilang schedule. (source)

Marian tries to seduce Sen. Bong! by Jun Nardo

IBINUKING ni Direk Mac Alejandre na napaluha sa saya si Sen. Bong Revilla Jr. nang panoorin ang final cut ng filmfest entry nila ni Marian Rivera na Panday 2.

Eh, si Marian, hindi nagsisisi sa pagtanggap sa movie.

“Buti na lang, kinuha ko at kinuha nila ako sa movie. May twist kasi sa istorya kaya napakaganda ng character ko rito. Pati ako, na-excite kaya sobrang happy ko dahil naging part ako ng Panday 2,” sey ni Marian sa bagong project.

Eh, may isang eksena sa trailer na nilandi-landi niya si Sen. Bong, huh!

“Hindi ko lang siya nilandi sa movie kaya panoorin ninyo!” tugon ng Primetime Queen.

Para naman kay Sen. Bong, “Wala akong mairereklamo sa kanya. Kumbaga, magaling na artista. No wonder, kaya niya naabot ang tagumpay. Laging on time sa set at nauuna pa sa akin. Very professional. Makikita ninyo ’yung rapport sa movie.”

’Yun nga lang, nang tanungin sa budget, nasabi na lang ni Sen. Bong na bigger than Panday 1 ang budget ng Panday 2.

“Siyempre, you have to surpass ’yung malaking pelikulang ginawa mo. Kailangan, i-beat mo ’yon. In terms of quality, casting, bigness ng pelikula at ’yung director mo, laging sumasariwa. Laging gumagaling. “Sabi ko nga, si Direk Mac, kahit anong puyat, makikita mo ’yung touch ng Mac Alejandre rito. Kaya para sa akin, number one siyang director,” pagmamalaki ni Sen. Bong. (source)

Clip to Evernote